Tuesday, May 02, 2006

Pakikipagsapalaran sa Kapalaran

Nagpahula ako kanina, oo, nagpahula ako.
Tinanong ko sa isang matanda ang aking kapalaran.
Kapalaran?
Mga pangyayaring magaganap sa hinaharap. Di mo kaagad ito makikita, maririnig o mararamdaman. Sa mga susunod pang araw o taon ito darating.

Kung babalikan natin si Hegel, sinabi niya na ang kasaysayan ng mundo kasama ng mga indibidwal ay tapos na. At ito'y tinatapos pa lang.
Magulo ba?
Ganito, gawa na ang plano ng bahay at ito'y unti-unting maisasakatuparan sa pamamagitan ng paikot-ikot na paggawa sa bahay.

Marami tumama sa hula niya.
Dapat ko bang sabihin na hula iyon?
May mga hula siyang posible talagang mangyari sa akin.
May mga kakayahan at maliit na kasangkapan ako para gawin iyon...nasa akin na lang talaga.

Kauna-unahang pagkakataon ko na nagpahula. Kauna-unahan kong hinayaan na may sumilip sa mga pangyayari sa akin at sa mga mangyayari pa lang.

Nakakatuwa dahil mabait siyang tao, masaya para sa akin.
Parang binigyan niya ako ng lakas ng loob at inspirasyon, lalo na siguro yung sinabi niyang "Mabait ka."
Parang nabuhayan ulit ako ng pag-asa. Na sa kabila ng paghihirap ay may kaunti pa ring dapat sa iyo..., sa hirap ng pakikipagsapalaran ay may kapalaran pa rin ang bawat tao.
Na masarap pa ring mabuhay.

Hanggang ngayon nakikita ko pa rin ang ngiti niya.




0 Comments:

Post a Comment

<< Home