Wednesday, April 18, 2007

Huling Katha


4/14/06
Mabuting Biyernes 15:35

Sa tuktok ng Tatlong Krus, sa pinaktuktok ng Tatlong Krus ay wala pang umaakyat.
Sila ba ay talagang napagod o naghahanap lang ng maraming tao?
Naghahanap ng bagong "trip" o natakot dahil sa masukal na dadaanan paakyat sa pinakatuktok?

Sa pag-akyat ko, ibat'-ibang klaseng tao ang nakasalamuha ko.
Mayroong mga matatanda at mayroong mga bata.
Mayroong naka-tsinelas at mayroon ding nakasapatos ng puti, na di alam kung sumasagisag ba iyon ng kanyang kabutihang loob o gusto nya yatang mag L.A. Walk sa bundok.
May mga normal at may mga lasing.
May mga nagpapahinga dahil sa pagod at may natutulog dahil sa kalasingan.
May mga babaeng cute na naka-kulay pink at may mga malayang kasarian na naka kulay "pink" din.
May mga nagdalang tent. Mayron din naman hindi. May mga gusto ding maki-halubilo.
May mga naka pikit manalangin at may mga nakapikit ding nakikinig sa radyo at cellphone nila.
May mga taong walang dalang gamit. Mayron din namang dala buong bahay nila.
May mga nagtitinda.
May mga bumibili.
May mga taong nakatingin sa malayo.
May mga tao din naman nakatingin sa malapit, hinahanap ang kulay ng bubungan nila.
May mga lokal na umaakyat. Mayroon din namang dayo.

Sa huli, may mga taong alam ang kanilang ginagawa at mayroon di namang para may magawa lang.
Pero sino ba naman ako para husgahan ang puso nila?
Alam kong pinapaakyat ng bundok ang lahat ng gustong umakyat sa kanya...
At kung anuman ang mga batayan nila sa buhay, nananatili ang bundok na ito para sa mga taong naghahanap ng lakas ng loob, tapang at inspirasyon na ako mismo ngayon ay kanyang binigyan...

Salamat.
Richter

Wednesday, October 18, 2006

Pagsilang


Totoo nga ang edukasyon ang magiging sandigan ng isang kabataan, ng kanyang sarili para sa kinabukasan at kanyang pagkatao.
Sabi nga nila e "Kaya ka nag-aaral ay para di ka lang umunlad, kundi para maging mabuti kang tao."
E pano kung mag-aaral ka pa lang ay minulat ka na pera ang dahilan ng pag-aaral mo?
Na makakatapos ka sa paaralang ito kung may pera ka.
Na pera ang simula at katapusan ng pag-aaral mo.

Masakit ang realidad na may mga paaralang ganon. Na pilit binubuhay at pinapatakbo ng kayamanan. Na mas mahalaga pa ang tuition fee kaysa sa mga mag-aaral dito. Na mas pinapahalagahan ang tubo kaysa sa kalidad ng pag-aaral.

Ang resulta, mga kabataang namulat at pinamulat na di mo makukuha ang gusto mo kung wala kang ganito kalaking pera.
Na wala kang kakayahang makapasok at makapag-aral dito kung wala kang datung.
Na ang paaralang ito ay pang-mayaman.

At unti-unti mo pa lamang malalaman na mahirap ka...

At kung may idealismo ay iwaglit mo na sa isipan mo ito, dahil di ka matutulungan nito. Sa murang edad ay ipinakita at ipinamulat sayo na ganon ang takbo ng mundo, na walang puwang ang idealismo.

Masasabi ko sa sarili kong mapalad ako dahil sa buhay na ito ay nakatagpo ako ng mga taong alam kong di makakapasok sa "paaralang" binabanggit ko.
Mga taong totoo. Nabubuhay at binubuhay ng katotohanang alam kong nakita rin nila sa mga nauna nilang mga guro.
Minsan nga ay napagbintangang janitor yung isang propesor ko sa pilosopiya dahil sa suot-suot niyang gulanit na damit at pantalon. At walang dalang ibang gamit kundi sigarilyo, kape at chalk na katiting.

Masarap makatagpo ng mga taong ganito. Lalo na kung may mga kasama ka ring mag-aaral na tulad mo rin.
Magiging inspirasyon at lakas mo ang mga sundalong ito sa panahon ng iyong pag-aalala. Pag-aalalang kayamanan na lang talaga ang simula at katapusan ng tao, na wala nang mga taong nagmamahal sa ideya, sa nagbibigay sa kagandahang moral ng pamumuhay, sa pagtulong at pagmamalasakit sa mga taong maliliit at naghahanap ng pansin, sa pagpapasarap ng mga bagay na di nahahawakan, sa pagpapatawad ng mga kaluluwa.

Sana sa makababasa nito, maramdaman niyo rin ang nararamdaman ko. Sana makatagpo kayo ng mga taong mapagkumbaba kong naikwento.

Sana maintindihan natin at maisabuhay ang mga natutunan natin nung tayo ay elementarya pa.

Saturday, July 22, 2006

Buhay

Almusal ko ay balita ng pagbabago.
Pagkain ko ang pakikipagkapwa.
Relihiyon ko ay ang sangkatauhan.
Pag-unawa ko ay kamalayan.

Sandata ko ay panulat.
Tinta ko ay dugo.
Papel ko ay kasaysayan.
Patungan ko ay pako.

Higaan ko ay apoy.
Hininga ko'y pag-asa.
Galaw ko ay pagkilos.
Tibok ng aking puso'y katwiran.


(11-05-2K4)

Dyok Taym

Kung nag-"gay speak" sana sila GMA at Garci, e di sana walang gulo ngayon.

GMA: Hallooooo Gracia!
Garci: Yes, Mother! Na-chuk chak ko na po yung mga chuva-ekek tienelyn!
GMA: Bonggacious! E yung mga tienes-tienes, carry na ba?
Garci: Winnie Santos mama, wiz na worry! Eclavon na ever!
GMA: Ang tarush! Babush! Baklush!

=================================

Madre: Anong apelyido mo iho?
Lalake: Lam nyo na po yun, sister! Lagi nyo pong hinahawakan yun!
Madre: Ha! Bayag ang apelyido mo?
Lalake: Sister naman! Rosario po ang apelyido ko.

=================================

Bobo: Pare, hulaan mo pangalan ko. Nagsisimula sa "F".
Pare: Francis?
Bobo: Mali.
Pare: Frank?
Bobo: Mali pa rin.
Pare: Sirit na.
Bobo: Efren :)

Naduduwag ako sa Magandang Babae

Naduduwag ako sa magandang babae.
Maamo, marikit at presentable.
Maalalahanin, mabait, ay naku, grabe!
Sya na nga! Sya na nga! Wala nang sinasabi.

Kanina sa isang palatuntunan.
Ako'y may kamera, mayroong kukunan.
Sa entablado sa may harapan.
Nandun ang pagandahan, nandun ang larawan.

Hindi ako makalapit, paa'y naiiwan.
Sa malayo ko sya kinuhaan.
Ang katabi kong kaibigan, ako'y pinintasan.
Ang layo naman! ang salitang binitawan.

Pero ewan ko ba sa ibang bagay ako'y matapang.
Lahat pinapasok, walang humaharang.
Gagawin sa taong hinihirang.
Ngunit ewan ko ba, sa magandang babae ako'y naduduwag.

Alay sa isang babaeng pangalan ay Ashley na mag-aaral sa Olongapo (Nob. 25, 2005)

Untitled

Sa landas ng buhay ay puno ng problema. Di ito maubos. Sa pag-ibig, sa pakikipagrelasyon sa tao, sakit, at kung anu-ano pa. Ngunit may isang problema na magbibigay ng inspirasyon, suliraning magbibigay ng lakas, suliraning magbibigay ng kahulugan, isang "makahulugang suliranin."

Problemang lubusang niyayakap ng mga taong katulad ko, naghahalong galit dahil sa pagmamahal o pagmamahal dahil sa galit. Ngunit ang poot na yun ay dapat mawala. Dahil hindi ito tama, dapat manatili lamang ay ang pag-ibig. Pag-ibig sa mga taong naghihirap at nawawalan ng pag-asa sa buhay, pag-ibig at pag-unawa.

Ang Araw na Una akong Nag-tak-in sa Opisina

Martes noon, Disyembre 6. Malamig sa labas. Nagpolo ako at tiningnan kung bagay sa akin kung magtak-in ako. Parang naakit kasi akong bumili ng sinturon at di lang sinturon dapat yung pang-gwapo rin.

Malamig talaga sa labas kaya naisipan kong bumomba.., isang hits lang naman, dahil malamig at apartment ang bahay, halos hangin na lang ang binuga ko para di maamoy, alam mo na...

Pinagmasdan ang bagong sarili sa salamin. Wow! Nakatak-in, nagbibinata na!
Nagulat ako at napalingon at biglang napasakay ng malisyosong tricycle na parang bokalista ng hagibis ang nagmamaneho.

"Ang araw na una akong nagtak-in sa opisina...Bow!!"

Teknolohiya

Sa bilis ng takbo ng mundo ngayon, kaakibat ang teknolohiya, ang karaniwang epekto nito sa tao ay pagkainip, dahil sa pagmamadali.
Totoo ngang mas totoo pa ang teknolohiya ngayon kaysa sa reyalidad.

Thursday, May 04, 2006

Lutang


Napag aaralan din pala ang sarili.
Sa pamamagitan ng pagbibigay ng damdamin.
Damdaming humahamak ng lahat masundan lamang.
Iba ang pag ibig na ito sa lahat.
Na kaya ka nyang patabain o papayatin sa loob ng maiksing panahon.
Patinuin o pawiin sa urirat sa isang iglap.
Nakakatakot, mapanakop at makapangyarihan.
Maari mong itakwil ang lahat ng uri ng pag-ibig naalam mo.
Maari ka nyang ikulong o bigyan ng sakdal laya.
Pero karaniwan ay igapos.
Ikulong sa pagnanasa, pag hanga at pag-iral.
Ang lohika ay masisira kapag ang damdaming ito ay nanuot sa iyong pagkatao.
Maari ka ring maging hayop at mawala ang pagiging tao.
Pumaloob sa isang damdaming hindi ka sanay.
Sa gawaing kakaiba ang ritmo at bilis.
Na hindi mo alam "nahulog ka na pala"..
Alam ko sabi nila nakakapagpalaya din daw ang pag ibig na ito.
Meron din daw syang bintana para sa mga pananaw at kaisipan.
Inspirasyon, pag galaw at imahinasyon.
Aaminin ko sa aking sarili, di ko alam ang "larawang" ito
O talaga lang sigurong di lang sya para sa akin.

Iwasang maging makata


Iwasang maging makata sa gitna ng iyong inspirasyon, kaligayahan at kalungkutan.
Iwasang kumuha ng papel at panulat kung may naiisip napananaw.
Damdaming mapanglaw.
Iwasang iromansa ang sarili kapag nag iisa.
Dahil lalo ka pang mag-iisa.

Tumingin sa kalikasan o sa minamahal mo.
Sa anyo ng lipunan.
Mahihirapan ka lang, malulungkot.
At sa kinahulihan ay magiging makata.

Iba ka nga sa karamihan pero minsan aminin mo sa sarili mo na sana katulad mo na lang sila.
Maari ka rin namang hangaan ngunit kadalasa'y hindi ka man lang kausapin.
Sasama ang loob at magmumuni-muning kung may mabuti kang kalooban,
Pero ano naman ngayon?

Iba pa rin ang taong malinang, mas napapansin.
Mas pinapansin...
Marahil wala ang mga ito sa kayamanan mo.
Pero minsan bilang tao hangad mo sana ay mayroon ka rin.
Iisipin mo ang kalagayan ng ibang tao.
Bibigyan mo sila ng atensyon na ikaw sa sarili mo ay nangangailangan din.
Iisipin mo sila at gagawa ng likhang tula, ipipilit ilagay ang sarili sa gawa.
Hangga't ikaw ay mapalayo sa ibang tao.

Huwag mo na ring pangarapin na mailagay ka sa pera.
Hindi ganun kataas ang pinagaralan mo.
Isa ka lamang hilong manunula na minsan kumukuha ng kapangyarihan sa dahong mahiwaga.
Matapang na hinaharap at ginagalit ang kalakihan ng sarili...

Kaya itapon mo na at sunugin ang lahat ng isinulat mo.
Baliin ang lapis na panulat.
Huwag munang kausapin ang butiki sa kuwarto mo.
Huwag tanungin kung ano ba ang kahulugan ng buhay.
Wala puwang ang tulad mo sa mapanlait at sa malupit na mundo.

Magbihis mayaman...iwasang maging makata...

Kapag pinag nilay-nilay ka sa sulok ng pag-iisa

Kapag pinagnilay nilay ka sa sulok ng pag-iisa,
May naninilay-nilay ngayong makukulay na handog na likas na lumalanghap sa gunita ng alindog,
At masuyong nagtataboy sa anino ng pagkabalisa.

Apoy na nagkukubling mag-usisa sa talampas ng hambog.
Mga pangarap na naging bubog.
Umpisa ng katapusan, katapusan ng umpisa.

Malimit kitang mahuling kumakaway.
Sa likuran ng mga tagak.Para akong maliit na puso,
Na nakikipagtalik sa samplanetang pag-ibig.
Ngayon malamig ang hangin.
Ayokong mag paa sa buhangin.

(Nobyembre hanggang Pebrero mating season na naman ng mga tao)

Ang boyfriend kong duwende


Ako ay maligaya.
Sa boyfriend kong duwende.
Mahaba na ang dila.
Ang gara pa ng bigote.

Surot sa lumang kama

Kinagat ako ng surot kagabi.
Di ako nakaganti.
Titirisin ko sana ng daliri.
Pero biglang tumalon at nawala.

Paboritong Mirienda

Kaunting mais, Asin At niyog... BINATOG!

Wednesday, May 03, 2006

Iwasang Lumuha

Iwasang lumuha kung ang puso'y puno na ng dalamhati.
Iwasang lumuha kung ang kaluluwa'y pagal na.
Iwasang kung ang mga mata'y nanlilingid sa di matanggap na nakikita.
Iwasang lumuha kung ang puso'y parang pagod na sa pagmamahal.
Iwasang lumuha kung ang katawa'y ayaw ng huminga at kumilos.
Iwasang lumuha kapag ang pag-iisip ay nalilito at pagod na.
Iwasang lumuha kapag ang hininga'y bumababaw na at ang paningin ay dumidilim na.
Iwasang lumuha kapag ang kalooba'y nanghihina na sa mga nakikita.
Iwasang lumuha kahit na may mailuluha pa.

Tumindig, kumilos, maki-alam, tumulong.
Iwasang lumuha...

Tayo Tayo Rin

" Sino pa bang magdadamayan kundi tayo-tayo rin.
Kung may pagkakataong tumulong, huwag palampasin.
Simulan nang magtanim ng mabubuting gawain.
Dahil sino pang aani? Kundi tayo-tayo rin."


From Tayo-tayo rin sa 2015

Mommy


If you give love to a person, you will not get familiar or bored with her. Just like a mother to a son or to a faithful wife in their old age.

Tuesday, May 02, 2006

Swordsman's Film

" I have just come to a realization! This scroll by Broken Sword contains no secrets of his swordsmanship. What this reveals is his highest ideal.
In the first state, man and sword become one and each other. Here, even a blade of grass can be used as a lethal weapon.

In the next stage, the sword resides not in the hand but in the heart. Even without a weapon, the warrior can slay his enemy from a hundred paces.

But the ultimate ideal is when the sword disappears altogether. The warrior embraces all around him. The desire to kill no longer exists.

Only peace remains."

From "Hero"

The warrior's ultimate act is to lay down his sword.

Kasalanan?

Dalawa lang ang pwedeng mangyari sa tao kapag nahihirapan siya sa buhay.
It's either magpakabuti siya lalo o' magpakasama na lang.

Si Prof. Turua, mabuti siyang tao pero anong nangyari?
Pinatay siya.
Simula pa nuong college student, aktibo na siya sa mga mass rally. At pati nuong pagtanda niya.
Pero nung pinatay siya, nagpuntahan ba yung mga taong natulungan nya?
Hindi.
Ni hindi nga siya kilala.
Ganun ang pagtanggap ng mga tao sa mabubuting katulad niya.

Yung mga classmates ko at kaibigan. Halos hindi na sila pumapasok ng mga klase kasi madalas silang uma-attend ng mga mobilisasyon at rally. Pag-attend na naging dahilan bakit di sila nakapag-tapos. Dahilan kung bakit wala silang diploma.

Ngayon may pamilya na sila.
Hirap silang makakuha ng trabaho.
Bakit?
Kasalanan ba nilang maging mabuting tao sila?
Kasalanan ba nilang mahalin nilang una yung kapwa nila bago ang mga sarili nila?

Siguro, talagang mas ginugusto ng mga tao yung mga masasamang uri nya, kaysa sa mga mabubuti...

King to a Knight

" When I was sixteen I won a great victory. I felt in that moment that I should live to be one hundred, now I know I shall not see thirty. You see, none of us chose our end really. A king may move a man, a father may claim a son. But remember that, even when those who move you be kings or men of power, your soul is in your keeping alone. When you stand before God you cannot say "but I was told by others to do thus" or that "virtue was not convinient at the time."
This will not suffice. Remember that. "

From the Kingdom of Heaven

6/30/2005

When I was a bramaccari, all knowledge leads me to God.
The highest, even the social thoughts and theories leads me to God.
But when I exited that "situation", all knowledge leads to Marxism, the others.

But the first flow of thought can be more intelectually and intuitively affirmative.
For God is also the other. Your neighbor.

7/02/2005

Maybe it's better to be bad than to be good.
In evil, you can do anything.
You can get the girl.
You can get the money.
You can get the good life.
There is a saying that nice guys finish last.

I pursue my life to be good.
I work hard at PREDA, serving the unfortunate children. And what do I get?
I was kickedout because of subversive thoughts.

Maybe the world is evil and people do not really appreciate moral beauty or kindness.
Maybe it's a cruel world indeed.

3 months

3 months of not working.
3 months of just floating around.
3 months of watching movies.
3 months of reading books.
3 months of surfing the net.
3 months of talking to people.
3 months of social angst.
3 months of anti-establlishment euphoria.
3 months of sickening distress.

I am lucky that I am single and at least have a family...
I will not wonder why many of my countrymen turn to communist.

Not a sociological communist but a bitter one...

Pakikipagsapalaran sa Kapalaran

Nagpahula ako kanina, oo, nagpahula ako.
Tinanong ko sa isang matanda ang aking kapalaran.
Kapalaran?
Mga pangyayaring magaganap sa hinaharap. Di mo kaagad ito makikita, maririnig o mararamdaman. Sa mga susunod pang araw o taon ito darating.

Kung babalikan natin si Hegel, sinabi niya na ang kasaysayan ng mundo kasama ng mga indibidwal ay tapos na. At ito'y tinatapos pa lang.
Magulo ba?
Ganito, gawa na ang plano ng bahay at ito'y unti-unting maisasakatuparan sa pamamagitan ng paikot-ikot na paggawa sa bahay.

Marami tumama sa hula niya.
Dapat ko bang sabihin na hula iyon?
May mga hula siyang posible talagang mangyari sa akin.
May mga kakayahan at maliit na kasangkapan ako para gawin iyon...nasa akin na lang talaga.

Kauna-unahang pagkakataon ko na nagpahula. Kauna-unahan kong hinayaan na may sumilip sa mga pangyayari sa akin at sa mga mangyayari pa lang.

Nakakatuwa dahil mabait siyang tao, masaya para sa akin.
Parang binigyan niya ako ng lakas ng loob at inspirasyon, lalo na siguro yung sinabi niyang "Mabait ka."
Parang nabuhayan ulit ako ng pag-asa. Na sa kabila ng paghihirap ay may kaunti pa ring dapat sa iyo..., sa hirap ng pakikipagsapalaran ay may kapalaran pa rin ang bawat tao.
Na masarap pa ring mabuhay.

Hanggang ngayon nakikita ko pa rin ang ngiti niya.




Mario Brothers

It is not my first time to play Mario Brothers.
A computer game who they've said consist of two brothers, Mario and Luigi; whose spouting moustache and a plumber outfit, regardless of their physique makes them as genetic brothers.

But for me "brothers" for them connotes only their camaraderie for each other. Their stronghold as low-class plumbers in a mission to save a princess.

Mario Brothers teaches me not only the intricacies of a computer game but life in general.
It teaches me that not only knowing the terrain makes a victor but proper timing and proper momentum can only a player surpass a stage, specially if it's an "air" stage, where the setting is in the sky.
That sometimes, greed for golden coins can cause you defeat and pre-judging "slow" enemies becomes the most difficult and irritating to overcome.
It teaches me there's surprise in every bricks, question boxes and other walls.
That there is an end in every stage, that gives you experience on how to deal with certain monsters, and in other cases, awards you a special kind of instrument or an additional life bonus.

Every stage is colorful and you will meet different kinds of personalities that tunes with a "happy" background.

Subliminally informing you that life is a game, be happy while playing it.