Tuesday, May 02, 2006

Kasalanan?

Dalawa lang ang pwedeng mangyari sa tao kapag nahihirapan siya sa buhay.
It's either magpakabuti siya lalo o' magpakasama na lang.

Si Prof. Turua, mabuti siyang tao pero anong nangyari?
Pinatay siya.
Simula pa nuong college student, aktibo na siya sa mga mass rally. At pati nuong pagtanda niya.
Pero nung pinatay siya, nagpuntahan ba yung mga taong natulungan nya?
Hindi.
Ni hindi nga siya kilala.
Ganun ang pagtanggap ng mga tao sa mabubuting katulad niya.

Yung mga classmates ko at kaibigan. Halos hindi na sila pumapasok ng mga klase kasi madalas silang uma-attend ng mga mobilisasyon at rally. Pag-attend na naging dahilan bakit di sila nakapag-tapos. Dahilan kung bakit wala silang diploma.

Ngayon may pamilya na sila.
Hirap silang makakuha ng trabaho.
Bakit?
Kasalanan ba nilang maging mabuting tao sila?
Kasalanan ba nilang mahalin nilang una yung kapwa nila bago ang mga sarili nila?

Siguro, talagang mas ginugusto ng mga tao yung mga masasamang uri nya, kaysa sa mga mabubuti...

2 Comments:

Blogger hermes said...

walang perpekto...pero d ito dahilan ng para mgpakasama.. mabuting dahilan to ng pagpapatawad.. lets evolve and give every one a chance..

miss you ter...

10:38 PM  
Blogger Unknown said...

kahit na may ibang mabuting tao na walang naidulot na maganda sa kanilang buhay ang pagiging mabuti nila . hindi iyon ang dahilan para maging masama ...
marahil ay hindi lng naging sapat ang knilang pagsisikap sa buhay kaya hindi gumanda ang kanilang buhay ...

4:31 PM  

Post a Comment

<< Home