Thursday, May 04, 2006

Lutang


Napag aaralan din pala ang sarili.
Sa pamamagitan ng pagbibigay ng damdamin.
Damdaming humahamak ng lahat masundan lamang.
Iba ang pag ibig na ito sa lahat.
Na kaya ka nyang patabain o papayatin sa loob ng maiksing panahon.
Patinuin o pawiin sa urirat sa isang iglap.
Nakakatakot, mapanakop at makapangyarihan.
Maari mong itakwil ang lahat ng uri ng pag-ibig naalam mo.
Maari ka nyang ikulong o bigyan ng sakdal laya.
Pero karaniwan ay igapos.
Ikulong sa pagnanasa, pag hanga at pag-iral.
Ang lohika ay masisira kapag ang damdaming ito ay nanuot sa iyong pagkatao.
Maari ka ring maging hayop at mawala ang pagiging tao.
Pumaloob sa isang damdaming hindi ka sanay.
Sa gawaing kakaiba ang ritmo at bilis.
Na hindi mo alam "nahulog ka na pala"..
Alam ko sabi nila nakakapagpalaya din daw ang pag ibig na ito.
Meron din daw syang bintana para sa mga pananaw at kaisipan.
Inspirasyon, pag galaw at imahinasyon.
Aaminin ko sa aking sarili, di ko alam ang "larawang" ito
O talaga lang sigurong di lang sya para sa akin.

0 Comments:

Post a Comment

<< Home