Saturday, July 22, 2006

Buhay

Almusal ko ay balita ng pagbabago.
Pagkain ko ang pakikipagkapwa.
Relihiyon ko ay ang sangkatauhan.
Pag-unawa ko ay kamalayan.

Sandata ko ay panulat.
Tinta ko ay dugo.
Papel ko ay kasaysayan.
Patungan ko ay pako.

Higaan ko ay apoy.
Hininga ko'y pag-asa.
Galaw ko ay pagkilos.
Tibok ng aking puso'y katwiran.


(11-05-2K4)

Dyok Taym

Kung nag-"gay speak" sana sila GMA at Garci, e di sana walang gulo ngayon.

GMA: Hallooooo Gracia!
Garci: Yes, Mother! Na-chuk chak ko na po yung mga chuva-ekek tienelyn!
GMA: Bonggacious! E yung mga tienes-tienes, carry na ba?
Garci: Winnie Santos mama, wiz na worry! Eclavon na ever!
GMA: Ang tarush! Babush! Baklush!

=================================

Madre: Anong apelyido mo iho?
Lalake: Lam nyo na po yun, sister! Lagi nyo pong hinahawakan yun!
Madre: Ha! Bayag ang apelyido mo?
Lalake: Sister naman! Rosario po ang apelyido ko.

=================================

Bobo: Pare, hulaan mo pangalan ko. Nagsisimula sa "F".
Pare: Francis?
Bobo: Mali.
Pare: Frank?
Bobo: Mali pa rin.
Pare: Sirit na.
Bobo: Efren :)

Naduduwag ako sa Magandang Babae

Naduduwag ako sa magandang babae.
Maamo, marikit at presentable.
Maalalahanin, mabait, ay naku, grabe!
Sya na nga! Sya na nga! Wala nang sinasabi.

Kanina sa isang palatuntunan.
Ako'y may kamera, mayroong kukunan.
Sa entablado sa may harapan.
Nandun ang pagandahan, nandun ang larawan.

Hindi ako makalapit, paa'y naiiwan.
Sa malayo ko sya kinuhaan.
Ang katabi kong kaibigan, ako'y pinintasan.
Ang layo naman! ang salitang binitawan.

Pero ewan ko ba sa ibang bagay ako'y matapang.
Lahat pinapasok, walang humaharang.
Gagawin sa taong hinihirang.
Ngunit ewan ko ba, sa magandang babae ako'y naduduwag.

Alay sa isang babaeng pangalan ay Ashley na mag-aaral sa Olongapo (Nob. 25, 2005)

Untitled

Sa landas ng buhay ay puno ng problema. Di ito maubos. Sa pag-ibig, sa pakikipagrelasyon sa tao, sakit, at kung anu-ano pa. Ngunit may isang problema na magbibigay ng inspirasyon, suliraning magbibigay ng lakas, suliraning magbibigay ng kahulugan, isang "makahulugang suliranin."

Problemang lubusang niyayakap ng mga taong katulad ko, naghahalong galit dahil sa pagmamahal o pagmamahal dahil sa galit. Ngunit ang poot na yun ay dapat mawala. Dahil hindi ito tama, dapat manatili lamang ay ang pag-ibig. Pag-ibig sa mga taong naghihirap at nawawalan ng pag-asa sa buhay, pag-ibig at pag-unawa.

Ang Araw na Una akong Nag-tak-in sa Opisina

Martes noon, Disyembre 6. Malamig sa labas. Nagpolo ako at tiningnan kung bagay sa akin kung magtak-in ako. Parang naakit kasi akong bumili ng sinturon at di lang sinturon dapat yung pang-gwapo rin.

Malamig talaga sa labas kaya naisipan kong bumomba.., isang hits lang naman, dahil malamig at apartment ang bahay, halos hangin na lang ang binuga ko para di maamoy, alam mo na...

Pinagmasdan ang bagong sarili sa salamin. Wow! Nakatak-in, nagbibinata na!
Nagulat ako at napalingon at biglang napasakay ng malisyosong tricycle na parang bokalista ng hagibis ang nagmamaneho.

"Ang araw na una akong nagtak-in sa opisina...Bow!!"

Teknolohiya

Sa bilis ng takbo ng mundo ngayon, kaakibat ang teknolohiya, ang karaniwang epekto nito sa tao ay pagkainip, dahil sa pagmamadali.
Totoo ngang mas totoo pa ang teknolohiya ngayon kaysa sa reyalidad.