Wednesday, April 18, 2007

Huling Katha


4/14/06
Mabuting Biyernes 15:35

Sa tuktok ng Tatlong Krus, sa pinaktuktok ng Tatlong Krus ay wala pang umaakyat.
Sila ba ay talagang napagod o naghahanap lang ng maraming tao?
Naghahanap ng bagong "trip" o natakot dahil sa masukal na dadaanan paakyat sa pinakatuktok?

Sa pag-akyat ko, ibat'-ibang klaseng tao ang nakasalamuha ko.
Mayroong mga matatanda at mayroong mga bata.
Mayroong naka-tsinelas at mayroon ding nakasapatos ng puti, na di alam kung sumasagisag ba iyon ng kanyang kabutihang loob o gusto nya yatang mag L.A. Walk sa bundok.
May mga normal at may mga lasing.
May mga nagpapahinga dahil sa pagod at may natutulog dahil sa kalasingan.
May mga babaeng cute na naka-kulay pink at may mga malayang kasarian na naka kulay "pink" din.
May mga nagdalang tent. Mayron din naman hindi. May mga gusto ding maki-halubilo.
May mga naka pikit manalangin at may mga nakapikit ding nakikinig sa radyo at cellphone nila.
May mga taong walang dalang gamit. Mayron din namang dala buong bahay nila.
May mga nagtitinda.
May mga bumibili.
May mga taong nakatingin sa malayo.
May mga tao din naman nakatingin sa malapit, hinahanap ang kulay ng bubungan nila.
May mga lokal na umaakyat. Mayroon din namang dayo.

Sa huli, may mga taong alam ang kanilang ginagawa at mayroon di namang para may magawa lang.
Pero sino ba naman ako para husgahan ang puso nila?
Alam kong pinapaakyat ng bundok ang lahat ng gustong umakyat sa kanya...
At kung anuman ang mga batayan nila sa buhay, nananatili ang bundok na ito para sa mga taong naghahanap ng lakas ng loob, tapang at inspirasyon na ako mismo ngayon ay kanyang binigyan...

Salamat.
Richter